PROPHETIC VISION FOR THE PHILIPPINES (Filipino Version)

PROPHETIC VISION FOR THE PHILIPPINES

By Bill Perry

(FILIPINO VERSION)

Translated by Harvest Seed of Light

PAUNANG SALITA (By the Translator)

Noong 1992, ang Prophetic Vision for the Philippines ay nailimbag at pagkatapos ay naipamahagi ito sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.  Ang iba sa mga impormasyon ay maaaring hindi na angkop sa kasalukuyan subalit ang katotohanan ay nanatili na ang Pilipinas ay may prophetic destiny na tatahakin.

Pagkaraan ng maraming taon na ang libro ay naipamahagi, ang tagapagsalin na ito ay nakakuha ng sipi kung saan ang bersiyong Pilipino ay nailimbag.  Ang Banal na Espiritu ay hinipo ako upang isalin ito sa bersiyong Pilipino na mas madaling maunawaan nating mga Pilipino, at malapit sa ating mga puso.  Upang mas madaling maintindihan, ginamit ang Taglish o ang pagsalin sa Pilipino na may halong English.  At kamangha-mangha na sa loob lamang ng isang linggo ay natapos ang pagsasalin.  Ano ang nag-udyok sa akin upang ipagpatuloy ang pamanang ito?

Mga 20 taon na ang nakalilipas ay natagpuan ako ng Panginoong Hesukristo.  Nabulag ako noon ng relihiyon ko at naniwalang ako ay patungong langit dahil sa aking mga mabubuting gawa. Hanggang isang araw ipinakita Niya sa akin na ako ay naliligaw at nangangailangan ng Tagapagligtas.  Ang pagbabagong ito ay hindi katanggap-tanggap sa aking butihing ina.  Gayunpaman, dahil sa nakita niyang pagbabago sa akin siya man ay tinahak ang landas na nasumpungan ko.  Sa katunayan, siya ngayon ay isa ng lingkod ng Diyos at nahikayat ang aming buong sambahayan sa pananampalataya sa Panginoong Hesus.

Isang pangyayari ang nagpatibay sa akin na ang Diyos ay buhay at totoo, at Siya ay tunay na nangungusap sa Kanyang mga nilikha.  Ilan sa miyembro ng isang relihiyon ay nagtungo sa aming tahanan, at nag-alok sa aking ina ng mga babasahin kung saan nagkataon (kung matatawag ngang ganoon) aking natunghayan.  Kaagad, akin silang sinabihan na kami ay mayroon ng buhay na relasiyon sa Panginoong Hesuskristo.  Sa pagpapaunawa sa aking ina na noon ay bagong mananampalataya pa lamang  na kailangan nating igalang ang Anak gaya nang paggalang natin sa Ama, ako ay nanindigan para sa Panginoon.  At ako ay humayo na.

Habang ako ay naglalakad, nakarinig ako ng malinaw na tinig mula sa aking likuran sa bandang itaas kung saan sinabi sa akin ng Diyos My hand is upon you.” Lumingon ako upang tingnan kung sino iyon, subalit wala akong nakita.  Hindi ako nagsisinungaling.

Maraming taon na ang nakararaan mula nang marinig ko ang mga salitang ito.  Kahit sa ating panahon, ang Diyos ay nangungusap pa rin sa Kaniyang mga nilikha kahit sa mga Pilipino na katulad ko.  Ang pagsasalin ng librong ito ay isang oportunidad upang gawing totoo ang salita ng Diyos sa aking buhay.  Ngayon, ang isang bahagi ng gawain ay naganap na.  Aking taimtim na dalangin na ito ay umalingawngaw sa puso ng mga Pilipino na naninirahan sa Pilipinas at sila na mga nakatalaga sa iba’t ibang bansa na si HESUKRISTO AY PANGINOON!

Sinabi Niya, “Lumakad kayo habang sumasainyo ang liwanag.  Ang gabi ay padatal na kung saan wala nang makagagawa.”  Gayundin, Kanya ding ipinapaunawa na kung Siya ay itataas, Kanyang ilalapit ang lahat sa Kanya.

“Dapat Siyang maitaas, at ako ay maibaba upang ang lahat ng tuhod ay luluhod at lahat ay magsasabi na si Hesus ay Panginoon sa kapurihan ng Diyos Ama! (John 3: 30; Philippians 2: 10-11) .”

PANIMULA

Aking mithiin na sa pamamagitan ng librong ito ay mahamon ang mga tao na gumawa ng kaibahan sa “10/40 Window” sa pamamagitan ng Mabuting Balita ng Ebanghelyo.  Ang window na ito ay isang geographic area na tinutukoy ang mga bansa sa loob ng imaginary line mula sa 10th Degree Parallel North hanggang sa 40th Degree Parallel North bumabaybay mula sa  N. W. Africa eastward patungong  Japan.  Tinatayang 97% ng mga “Unreached People” sa mundo, na kinakailangang maabot ng kapangyarihan ng Ebanghelyo, ay nakatira sa loob ng window na ito. Akin ding adhikain na  himukin lalo na ang mga Pilipino na makita nila ang kanilang destiny at strategic geographical location bilang isang pintuan patungo sa “10/40 Window.” Naniniwala ako na mayroon silang mahalagang gawain kaakbay ang kanilang mga kapatirang Asyano.  Mayroon silang makabuluhang papel na gagampanan sa napakalaking revival na nangyayari sa bahaging ito ng mundo!

Hanggang ang 10/40 window ay hindi epektibong nabahaginan ng Ebanghelyo, ang Great Commission ay mananatiling hindi natutupad.  Ang mga bansa ay kakailanganing maturuan at ang kanilang mga tao ay kailangang simulang turuan upang magturo sa iba.  Mula doon ang karamihan sa 1.3 billion “Unreached People” kasama ang 1.2 billion “Partially Reached People” sa rehiyong ito ay mananatiling hiwalay mula sa kapangyarihan at demonstrasyon ng Ebanghelyo.  Kasama dito ang  mga Muslim, Hindu, Buddhist at ibang mga Silangang relihiyong laganap sa “10/40 Window.”

Si Hesus, ang pinakamataas na otoridad sa lahat, ay nagsabi, “At ang Buong Ebanghelyo ng kapangyarihan at demonstrasyon ng kaharian” (ang Ebanghelyo na ipinahayag ni Hesus) “ay ipahahayag sa buong mundo at pagdaka ay darating ang katapusan!  (Matt. 24: 14). Ang “mundo” ay kasama ang masa ng mga hindi pa naaabot sa “10/40 Window.”

Ang  Panginoon ay nagsabi kay Habakkuk na isulat ang vision, at gawin itong malinaw sa tapyas na bato na sinuman ang makabasa nito ay makatakbo upang magsabi sa iba (Hab. 2: 2).  Sa ating panahon, maaaring nasabi Niyang isulat ang vision sa overhead transparencies o “billboards,” gaya nang nasasaad sa Living Bible.  Kaya nga akin ngayong isinusulat ang vision nang may mga ilustrasyon.  Inilagay ko din ito sa transparencies na aking ginagamit sa pagbabahagi ng vision nang personal.  Ginagawa ko ito dahil dalangin ng puso ko na marami ang tumakbo sa vision na ito at pabilisin ang araw ng pagdating ng ating Panginoon.

I – ANG PAGLAHAD NG HUKBO SA KATAPUSANG PANAHON

Noong mga nakalipas na labinlimang taon, nagkaroon ng malaking paglago ang mga pagpapahayag ng mga awiting tungkol sa Hukbo ng Panginoon.  At noong 1988, ito ay tumindi at isang bagong tunog ng militant scriptural na mga awitin ang naihayag sa Iglesiya.  Ang mga awiting ito ay tungkol sa isang militanteng espiritwal na hukbo na tumatawid sa Jordan River at isang Joshua generation ay umuusbong, itinutumba ang mga pader at inaangkin ang lupain.  Pag ikaw ay nakarinig o nakakita ng isang hukbong naghahanda, nagpupulutong  at tumatawid sa hangganan, alam mo magkakaroon ng digmaan.

Gayundin naman, tayo bilang Iglesiya ay dapat mabatid na isang dakilang End-time espiritwal na digmaan ang nagbabadyang maganap.  Naririnig natin sa espiritu at sa mensahe na ang Banal na Espiritu ay magpapadala sa buong mundo ng mga pahayag na salita at sa mga awiting darating.  Sa mga sumusunod na kapitulo ay makikita natin na panahon na upang ang Hukbong Sandatahan ng Panginoon ay magsimula nang tumindig at maghanda na dalhin ang Ebanghelyo sa buong mundo.  Marami ang sumasang-ayon na ang Diyos ay nagtataas ng Hukbo sa panahong ito at ito ay isang End-time Army na ginagawa ang mga bagay na itinalaga ng Diyos mismo.  Totoong isang Hukbo ang tumitindig.

Ang Joel, isang librong pahayag tungkol sa End-time, ay nagbigay ng tagpuan para sa paglitaw ng End-time Army ng Diyos.  Si Joel ay maaaring tawaging ang unang “Pentecostal Prophet” dahil sa kanyang pag-propesiya ng pagpupuspos (outpouring) ng Banal na Espiritu sa Araw ng Pentecostes.  Subalit, hindi lamang niya natanaw ang unang Pentecostal outpouring na nagaganap nang araw na iyon noong 29 AD, datapwat nakita din niya ang Iglesiya na naibabalik nang buong kapangyarihan sa pamamagitan ng sunud-sunod at katapusang pagpuspos ng Banal na Espiritu sa lahat ng tao (Joel 2: 28).

Gaya ng pahayag ni Propeta Joel, ang Iglesiya ay isinilang sa mga apoy ng Banal na Espiritu.  Sa katunayan, may panahon na ang bawat iglesiya ay “Full Gospel.” Sa aklat ng Mga Gawa, lahat ng mga iglesiya ay  ginagawa ang makapangyarihang pag-eebanghelyo at kumikilos sa mga kaloob ng Banal na Espiritu.  Ang unang Iglesiya ay may malakas na kapangyarihan at dakilang grasiya (Mga Gawa 4: 33).  Ang Iglesiya ay nagpatuloy sa ganitong kaparaanan hanggang sa susunod na dalawang daang taon at higit pa.  Pagkatapos si Constantine ay naging Kristiyano at gumawa ng batas na lahat ay biglang naging “Kristiyano.”  Ang tanging problema ay hindi mo maisasabatas ang pagiging Kristiyano!  Hindi mo magagawang Kristiyano ang lahat sa pamamagitan ng batas.  Ito ay dapat na bunga ng pagbabago ng puso sa pamamagitan ng dugo ni Hesukristo.

Sa daloy ng mga pangyayari pagkatapos ng 325 AD, ang Iglesiya ay nagsimulang mawalan ng kapangyarihan.  Isang iglesiya na may istraktura na may pagbasbas ng estado ang nagsimulang magpunyagi at ang espiritwal na Iglesiya ay nagsimulang mawalan ng supernatural na kapangyarihan.  Isang dahilan nito ay ang paganong impluwensiya na laganap noong panahon na iyon na tinanggap ng Iglesiya at pinasiyaanan ng gobyerno.   Ang Iglesiya ay nagsimulang magbunyi ng mga paganong holidays at observances at ipinakilala ang mga diyus-diyosan sa Iglesiya.  Marami ring tradisiyon ng tao ang idinagdag sa Iglesiya.  Ang “espritwal” na Iglesiya ay nagpatuloy na nanghina palayo nang palayo sa pattern ng Diyos na matatagpuan sa Bagong Tipan.

Noong simula ng 1500’s, malapit sa “Dark Ages,” ang nag-iisang kawangis ng Kristiyanismong Bagong Tipan na natitira sa Iglesiya ay ang “Apostle’s Creed.” Pagkatapos ang Diyos ay pumasok at nagdala muli ng “Justification by Faith” sa pang-unawa at espiritwal na karanasan.  Nagsimula ang Diyos ng dalawang bahagi na proseso.  Una, kinailangan Niyang ibalik muli ang Iglesiya sa isang ganap na makapangyarihang Iglesiya.  Ikalawa, kinailangan Niyang maghanda ng isang mature na bride, walang bahid dungis o kulubot na siyang magiging pinakamakapangyarihang End-time ArmyITO SA KASALUKUYAN AY 500-TAONG PROSESO!

Sa Kapitulo 2, si Joel ay nagsalita tungkol sa End-time kung saan ang mundo ay mayayanig, ang kalangitan ay didilim at ang buwan ay magkukulay dugo.  Ngunit nakita muna niya ang pagbabalik ng Iglesiya sa bersikulo 18, 23, 25 at 26.  Ipinahayag ni Joel ang Salita ng Panginoon, “Aking ibabalik, Aking ibabalik, Aking ibabalik.”  At sa bersikulo 28 nasasaad, “Pagkatapos nito,”  nangangahulugang pagkatapos ng buong pagbabalik (full restoration), magkakaroon ng pagbuhos ng Banal na Espiritu.  Tumutukoy sa lahat ng major na pagbabalik ng daang taon,(pagkatapos ng Pentecostal outpouring, pagkatapos ng Charismatic movement, pagkatapos ng third wave o sa climax ng third wave), sinabi ng Diyos, “Pagkatapos nito, ibubuhos Ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao!”  Hindi lamang sa puting balat at sa kayumangging balat o itim na balat, kundi sa LAHAT ng tao, habang ang bawat bansa at lahi ay magkakaroon ng tunay na kaalaman sa pagliligtas ni Hesukristo.  Ang Espiritu ay ibubuhos sa lahat ng tao.  Magkakaroon ng revival sa End-time! Naniniwala ako na ang dahilan kung bakit napakaraming mga propesiya ang lumalabas kaugnay ng Pilipinas ay dahilan sa ang mga Pilipino ay may mahalagang bahagi sa End-time Army na ito at ng End-time revival.

Sabi sa Joel 2: 28 at 29, “Isasaysay ng inyong mga anak ang Aking mga salita; sari-sari ang mapapanaginip ng matatandang lalaki, at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.  Sa panahong yaon, ibubuhos Ko ang Aking Espiritu pati sa mga alipin, lalaki’t babae.”  Magkakaroon ng malakas na prophetic movement sa Iglesiya sa panahon ng End-time sa paghanda ng daan sa Ikalawang Pagbabalik ng Panginoon,  gaya ng paghahanda ng mga propeta ng daan para sa Kanyang unang pagdating.

Noong Pentecost, naunawaan ni Pedro na ang nagaganap ay naipahayag ni Joel.  Sa Mga Gawa 2: 16, sinabi ni Pedro, “Manapa’y natupad ngayon ang sinabi ni Propeta Joel.”  Ang kaganapan ng propesiya ay totoong pareho para sa unang Pentecost at sa Pentecost movement na mangyayari sa simula ng 20th century.  Ang Joel 2: 23 ay nagwika ng “former rain” at ng “latter rain.” Ang unang pagbuhos sa 20th century ay sa kasidhian  ng “early rain” at ang ikalawang pagbuhos noong dekada 50’s, 60’s, at 70’s, na kilala bilang Charismatic Movement ay nasa kainitan ng “latter rain.” Ang “early” at “latter” rain na inihayag ni Joel ay nagdala ng pagkapuspos ng Banal na Espiritu sa mahigit 500 Milyong Kristiyano sa buong mundo, tinatayang ikatlong bahagi (1/3) ng kasalukuyang iglesiya sa mundo.  Pagkatapos sinabi ng kasulatan na ang Panginoon ay magpapadala ng “early” at “latter rain” na magkasabay sa parehong buwan. Ang ginamit na Hebreong salita dito ay dilubyo (deluge) o baha (flood) na pinaniniwalaan ko na ang kasalukuyang outpouring ng Banal na Espiritu sa katawan ni Kristo, na binabansagang Third Wave.  Naniniwala ako na ang “Third Wave” na ito ay siyang magdadala sa “deluge outpouring” ng Banal na Espiritu sa lahat ng tao.

Si Gerald Derstine, founder ng Christian Retreat Center sa Bradenton, Florida at Gospel Crusades, Inc. ay nagkaroon ng vision noong 1952 ng isang malaking timba (bucket).  Ang malaking timba na ito ay isang malaking 10-liter na timba.  Ito ay iyong tipo na ginagamit ng tao pag sila ay nanggagatas ng kalabaw o pag nag-iigib ng tubig.  Nakakita lamang siya ng kakaunting tubig sa ilalim ng bucket, na nagpapakita ng outpouring ng Banal na Espiritu hanggang sa panahong iyon.  Ipinaunawa ng Panginoon sa kanya na ang nakita niyang pangyayari ay isa lamang “drop in the bucket” kung ihahambing sa kung ano ang mangyayari!  Naniniwala ako na noong 1992 ay maaari na nating sabihin na ang bucket ay 1/3 hanggang ½ nang puno.  Naniniwala din ako na ang bucket ay mapupuno hanggang sa umapaw ng Banal na Espiritu kapag natapos ng Diyos ang kaganapan ng Joel 2: 23 at 28!

Ang Layunin ng Pagpupuspos ng Banal na Espiritu

Sinabi sa Mga Gawa 1: 8 na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na siyang ibubuhos sa madaling panahon sa araw ng Pentecost, ay siyang magbibigay ng kapangyarihan para sa pagsasaksi.  Naniniwala ako na ang final outpouring ay upang bigyan ng kapangyarihan ang Hukbo para sa pag-aani.  Oo, ang Hukbo ay para sa espiritwal na pakikibaka (spiritual warfare), at oo,   ang Hukbo ay para sa espiritwal na pagsamba (spiritual worship), at oo, kailangan natin ng Hukbo ng mga mananalangin, ngunit ang Hukbong ito ay gagamitin din para sa espesyal na kadahilanan na ibinigay sa Joel 12: 32.  Sinabi dito na “sinuman ang tumawag sa Pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”  Ito ang dahilan ng outpouring ng Espiritu at ang dahilan ng Hukbo upang tumawag sa Pangalan ng Panginoon!  Inihayag ni Joel na ang dahilan ng kapangyarihan ng Pentecost at ang outpouring ng bawtismo ng Banal na Espiritu sa lahat ng tao ay upang ang ebanghelyo ay maiproklama sa kapangyarihan at demonstrasyon, upang “sinuman ang tumawag sa Pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”  Nang sambitin ni Pedro si Joel sa Mga Gawa 2: 21, sa pagsalin ng salitang “delivered,” ginamit niya ang salitang Griyego na “born again” o “saved!”  Ang Pentecostal na kapangyarihan sa Mga Gawa 1: 8 at Mga Gawa 2: 4 ay para sa supernatural empowering ng End-time Army of God!

II – ANG KAMANGHA-MANGHANG HUKBO

Ang Kapitulo 1 ng Joel ay tumutukoy ng tungkol sa totoong hukbo ng balang (locust).  Mayroong literal na hukbo ng balang na bumalot sa mundo, at sa pamamagitan ng lukton (cankerworm) at ng uod, ay na wipe out ang buong Judah.  Ginawa nila itong patag at dawag na di pa nangyari noon mula sa simula ng sansinukob.  Sa simula ng Kapitulo 2, makikita natin ang spiritual army – hindi ng balang sa pagkakataong ito – kundi ng mga tao.  Ang biblical na gabay ay una ang pagsabi ng mga kaganapan sa natural at pagkatapos susunod ang mga kaganapan sa espiritwal.  Makikita natin ang pattern na ito sa Joel.

Sa pagsasaysay tungkol sa tunay na hukbo ng mga kalalakihan, si Joel ay nagsabi na wala nang katulad noon pa man ang hukbong ito ni magkakaroon pa ng katulad sa napakaraming henerasyon (Joel 2: 2).  Ang Hukbong ito ng Panginoon ay magiging katulad ng mga balang sa Kapitulo 1.  Hindi pa tayo nakakita ng ganitong klase ng hukbo noon!  Ito ay magiging isang kahanga-hangang (awesome) hukbo!  Ito ay magiging napakalaking hukbo!  Inyo bang natatalos na ang pinakamalalaking mga hukbo sa daigdig ngayon ay bumibilang lamang sa kaunting milyon?  Ang Hukbo ng Panginoon ay magiging laksa, laksa, laksang milyon, maaaring daan-daang milyones, ng mga tao!  Wala pang nakikitang ganoon sa kasaysayan ng tao!

Sinabi sa Joel 2: 7 na ang mga kabahagi ng hukbong ito ang “tatakbo gaya ng mighty men, aakyat sa pader gaya ng mighty men of war, at sila ay magmamartsa bawat isa sa kanya-kanyang daan, at sila ay hindi aalis sa pulutong (break rank).  Si Propeta Joel ay nakakita ng hukbo ng Panginoon na nagkakaisa sa pagmamartsa.  Magkakaroon ng PAGKAKAISA sa Hukbo na hindi pa nararanasan noon pa man sa Iglesiya.  Naniniwala ba kayo na  papayagan ng Diyos ang panalangin ni Hesus sa Kapitulo 17 na hindi matutugunan?  Si Hesus ay nanalangin sa Juan Kapitulo 17 na ang mga disipulo (Iglesiya) ay maging isa, gaya nang Siya at ang Ama ay iisa, at malaman ng mundo na tayo ay iisa.  Ang bersikulo sa Joel ay nagsasaad na ito ay mangyayari.

Sa madaling panahon, tayo ay magmamartsa sa hukbong yaon, hindi lumilihis ng landas, hindi pumupunta sa kanan o kaliwa, at hindi ginagawa ang sariling naisin natin.  Purihin ang Diyos, ito ay isang hukbo na matututong lumakad kaalinsabay sa tunog ng tambol at direksiyon ng Banal na Espiritu at bawat galaw na ating gawin, bawat liko na puntahan natin ay pawang nagkakaisa.

Makatutunghay ka din ng tungkol sa hukbong ito na kakaiba.  “Hindi nagkakabanggaan sa kanilang paglakad.  Hindi sila mapigil ng anumang hadlang.”  (Joel 2: 8).  Nababatid n’yo ba ang Iglesiya ay itinutulak ang bawat isa ng kani-kanilang mga espada?  Darating ang panahon kung saan ang PAGKAKAISA SA ESPIRITU ay magiging napakalakas na tayo ay hihinto sa pagtutulak ng bawat isa, sapagkat tayo ay gagamitin laban sa kaaway, hindi laban sa isa’t isa at hindi sa loob ng Iglesiya.  Nasasabi na ang Iglesiya ay ang tanging hukbo sa kasaysayan ng mundo na pumapatay ng kanyang sugatan.  Ilan sa mga nabuwal na mga pinuno ang naisantabi, inalipusta, at nasira, kaysa pinayuhan at ibalik?  Ito ay hindi maganda, at ako ay nananalangin na ang mga pahayag na mga salitang ito ay magkakaroon ng katuparan sa madaling panahon sa ating henerasyon.  Nananalangin ako ng agarang pagdating ng araw kung saan ang mundo ay malalamang tayo ay iisa sapagkat tayo ay humintong itulak ang bawat isa, humintong lumabas sa yapak, humintong lumihis sa ating landas, at humintong gawin ang “sariling naisin natin.”

Pagkatapos sinabi ni Joel muli ang isang bagay na lubhang kamangha-mangha.  Sinabi niya, “At kung sila ay mahulog sa kanilang espada, hindi sila masusugatan” (Joel 2: 8).  Yan ang tinatawag kong SUPERNATURAL PROTECTION.”

Si Bill Baransky, isang Amerikanong ebanghelista sa liping Ruso, ay nagsaysay ng kuwento tungkol sa supernatural power na ito.  Noong World War II, si Bill at ang kanyang pamilya ay tumakas mula sa Russia kasama ang kanyang Kristiyanong lola, isang maka-diyos na babae na may matinding pananampalataya.  Habang sila ay tumatakas palabas ng Russia sa loob ng battle areas, sila ay pinaulanan at pinagbabaril mula sa mga eroplano.  Ang mga bala ay literal na tumalbog sa nagmistulang plastic na shell o dome na pumalibot sa pamilya at bumagsak ng walang pinsala na pumalibot sa niebe sa paligid nila, ni isa sa kanila ay hindi tinamaan.  Yan ay supernatural divine protection, gaya ng paghulog sa espada at hindi nasasaktan.  Maaaring mayroon ding kahalagahan sa kinabukasan dito habang ang hukbong ito ay kumukuha ng “immortal and resurrected life” na mga katawan kung kailan walang anumang makakapanakit sa kanila.  Hindi ko maunawaan paanong ang lahat ng mga ito ay mangyayari o kalian ito mangyayari sa timetable ng Diyos, pero mukhang ang ganitong uri ng proteksiyon ay sa wakas makakakita ng katuparan sa ating supernatural glorified bodies gaya ng kay Kristo pagkatapos ng muling pagkabuhay.  Dahil ang End-time na pangyayaring ito ay mangyayari, ang kaaway ay hindi makababaril at makapapatay ng supernatural na hukbong ito.  Nakakita na ba kayo ng mga palabas kung saan binabaril nila ang mga tao at wala itong bisa?  Gumagamit sila ng ray guns laban sa kanila at hindi sila naaano.  Ito ang uri ng hukbo na magkakaroon tayo isang araw sa hinaharap.

Pagkatapos ng pagtunog ng trumpeta sa Zion, si Joel ay nagsalita tungkol sa End-time kung kailan ang mundo ay mayayanig.  Ito ay hindi pa nagaganap, ngunit sa panahon ng Diyos naniniwala ako na magkakaroon ng overlapping ng Hukbo ng Panginoon na mabubuo at ang End-time shaking at trembling ay magaganap.  Bawat regiment ng hukbong yaon ay kasalukuyang prinoproseso, sinasanay at inilalagay sa dapat kalagyan at sa ayos.  Bawat totoong binili ng dugo na iglesiya, anuman ang denominasiyon o asosasyon, ay may kakaibang layunin at bahagi sa End-time na Hukbo.  Ang Diyos ay nagbibigay sa bawa’t isa sa atin ng bahagi ng pangitaing ito na gaganapin ayon sa Kanyang divine na kautusan at plano.  Sa kaparaanan at panahon ng Diyos, naniniwala ako na ang prophetic vision para sa Pilipinas ay matutupad.  Magkakaroon ng great End-time na ani.  Sa katunayan, ito ay nagsisimula na sa Asya, parte ng Africa at South America.  Ang kamangha-manghang araw na yaon ay malapit nang dumating, na may isang kamangha-manghang hukbo at ang mga Pilipino ay gaganap ng mahalagang bahagi!

Ang Layunin ng Isang Hukbo

Tingnan natin ang Army in action sa Joel 3: 9 at 10.  Sabi ni Joel, “Ipahayag mo ito sa mga bansa:  HUMANDA KAYONG MAKIDIGMA! Gumising kayong magigiting na mga lalaki!  Hayaan niyong ang mga mandirigma ay lumapit; magsiakyat sila.  Gawin ninyong tabak ang inyong mga araro, at gawing sibat ang mga panggapas; hayaang ipahayag ng mahina, ako ay malakas.”

At sa bersikulo 11, si Joel ay nagpatuloy at nagsabi sa kanila na magtipon bilang isang hukbo!  Tandaan niyo, ito ay hukbong sandatahan!  Ang hukbong ito ay nagsisimula nang magtipon at ginagawa nang tabak ang araro at sibat ang panggapas.  Ang proklamasyon ay lumalabas na sa lahat ng mga bansa, ‘HUMANDA SA PAKIKIDIGMA!”

Sumunod ay binigyan ng Panginoon ang Hukbo ng Panginoon ng marching orders sa bersikulo 13.  “Gamitin mo ang panggapas!” (Put ye in the sickle!) (Ang tabak ay naging panggapas).  Ang panggapas ay isang gamit sa pag-ani, isang tabak na may likong blade na ginagamit sa pagputol ng mga uhay ng lahat ng uri ng butil gaya ng bigas, obena (oats) , trigo (wheat) o sebada (barley) sa isang unday.  Ang panggapas na ito (ang tabak ng hukbo) ay tumutukoy sa pagkuha ng espiritwal na ani.  Ang bersikulo 14 ay mahalaga noong 1992 at mga sumunod na mga taon nang ito ay sinabi, LAKSA, LAKSA ANG NASA LAMBAK NG PAGHATOL:  SAPAGKAT ANG PANGINOON AY PAPARATING NA SA LAMBAK NG PAGHATOL.” Parating na tayo sa panahon ng pag-ani kung kailan laksa-laksa ang gagawa ng desisyon.

Ang salitang Hebreo na ginamit sa bersikulo 13 ay nagsabing ang ani ay lubhang hinog na.  Ito ay pareho ng pagkakaunawa noong sinabi ni Hesus na hindi ba’t mayroon pang apat na buwan bago ang tag-ani? Subalit ngayon ay hinog na o handa nang anihin (Juan 4: 35).  Kapag ang isang bukirin o fruit orchard ay hinog na, ito ay nagmimistulang kulay puti.  Kung ikaw ay pipitas ng bunga ng mangga mula sa puno, maaaring hindi ito tunay na matamis o hinog.  Ngunit kung ang bunga ay mag-mature at mahulog sa iyong palad kung ito ay hahawakan mo, makasisiguro kang ito ay sadyang hinog na!   Ganyan ang uri ng ani na ibig sabihin ng salitang Hebreo dito.  Ang ani ay handa nang mahulog sa iyong kamay kung pipitasin o kung iyong ilalagay ang panggapas.

Sa Revelations 14: 15 – 18, nang ito ay nagsabi “hinog na ang ani,” ang salitang Griyego na ginamit ay nangangahulugang “lagpas na ng tag-ani, sira or bulok na.”  Sa panahong iyon, tayo ay inuutusan na ilagay ang panggapas at anihin ang mga ligaw na mga kaluluwa na tinanggihan ang ebanghelyo.  Ang karit ay gagamiting pang-ipon ng mga naliligaw para sa dakilang paghuhukom, na siyang kukumpleto ng wakasang ani sa mundo (Rev. 14: 19).  Kaya may mahalagang pagkakaiba sa dalawang salitang ginamit sa “hinog na ani.”  Iyong ginamit sa Joel, naniniwala ako, ay naghahayag ng kung ano ang malapit nang maganap at nagsisimula nang maganap ngayon.  Ang isa naman ay nasa Revelation, kung kailan ang mundo ay aanihin pagkatapos na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay maipahayag at ang katapusan ay dumating na.  Sa Revelation ang kautusan ay ilagay ang pangwakas na karit sa pangwakas na ani para sa Dakilang Paghuhukom.

III – ANG LUGAR  NG DIGMAAN

Kung magkakaroon ng digmaan, nais mong malaman kung nasaan ang war zone.  Kung hindi mo alam kung nasaan ang war zone, maaari kang makatapak ng mine field, o masumpungan ang sariling nasa matinding kaguluhan kung saang dako o maaari mong makaligtaan ang digmaan nang tuluyan.  Nais kong ipanukala na ang war zone ay matatagpuan sa “10/40 Window.”  Ang salitang “10/40 Window” ay nagmula kay Luis Bush, isang mission executive na ipinanganak sa Argentina, at International Director ng AD2000 Movement & Beyond.  Kanyang ipinakilala ang konsepto sa Lausanne II Conference sa Manila noong July 1989 at ang mga missiologist ay ginamit na ito mula noon.  Ito ay nagsasaad sa isang imaginary line mula sa 10th Degree Parallel North hanggang sa 40th Degree Parallel North at nasasakupan ang lugar mula Japan patungo sa Northwest Africa.  ITO ANG LUGAR KUNG SAAN 95% NG MGA UNREACHED PEOPLE NG MUNDO AY NANINIRAHAN (Fig 1). Ito ang dahilan kung bakit ko ito tinatawag na “War Zone.”  Ito ang war zone na kailangan nating ipanalangin at saan nararapat dalhin ang ating “Swords of the Spirit” at umani.

Ako ay lubhang naging excited nang makita ko ito, sapagkat naunawaan ko ang kahalagahan ng “10/40 Window” na may kaugnayan sa propesiyang dumarating sa Pilipinas at kung saan aking nadarama sa aking espiritu sa loob ng nakalipas na 5 taon.  Mayroon talagang battle zone sa spiritual realm sa lugar na ito.  Ang Paglikha at ang Hardin ng Eden, ayon sa maraming mga pantas, ay nangyari halos sa gitna ng war zone na ito.  Ang Jerusalem din ay halos malapit sa gitna nito, gaya ng Iraq at Iran.  Karamihan sa Ancient History at kasaysayan sa hinaharap ay nakaatang dito.  Ang pagbabalik ni Hesus sa mundo ay maaaring mangyari sa gitna ng war zone na ito.  Maaaring ito ang dahilan kung bakit mayroong intense spiritual battle na sumisilakbo sa rehiyon at incredible na spiritual darkness at strongholds na naghahari sa lugar na ito.

Ang “10/40” War Zone ay kinapapalooban ng mga lugar na kilala natin bilang ang “Near East,” ang “Middle East,” at ang “Far East” kung saan ang Pilipinas ay geographically na nakapuwesto.  Kasali dito ang mga bansang China, Japan, India, Pakistan, Philippines, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Kampuchea (Cambodia), Myanmar (Burma), Thailand, at marami pang ibang bansa sa Asya, Arabia, at Africa.  Tunghayan natin ang posisyon ng Pilipinas sa war zone na ito at ang critical na bahagi na ang mga Pilipino ay nakalaang gampanan.

Ang Pilipinas ay ang pinaka-14th na pinakamalaking bansa, sa larangan ng populasyon, sa mundo.  Subalit, ito ay parang si Gideon, na inakalang ang kanyang sarili ang pinakamaliit, pinakabata, at pinakamahirap sa lahat ng magkakapatid, at mula sa pinakaabang pamilya, subalit siya ay malakas nang ginamit ng Diyos! Kahit ang batang si David, ang pinakabunso, pinakamaliit at pinakamahina ay ginamit mightily ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang maliit na tirador at limang mga bato.  Ang Pilipinas ay puno ng mga likas na yaman.  Oo nga’t marami sa mga kinita ay inalis mula sa bansa sa pamamagitan ng graft, corruption at exploitation, pero marami pa ring likas na yaman na madidiskubre at potential na kayamanan na maaaring i-develop.  Ngunit aking nararamdaman na maaaring ang pinakadakilang yaman ng Pilipinas ay ang kanyang 68 Million na mga tao, isang hindi pa nagagamit na kayamanan na underemployed na PEOPLE POWER.

Noong Enero 1987, ang Panginoon ay nagbukas ng pinto para sa akin upang magtungo sa Pilipinas sa unang pagkakataon; aking nabatid ang strategic location ng Pilipinas sa natural.  Gayundin, habang naglalakbay nagsimula kong maunawaan sa espiritu kung paanong ang Pilipinas ay spiritually strategic din.  Nagulat akong makita na napakaraming nakatira sa Pilipinas, at ito ang 14th na pinakamalaking populasyon sa mundo, at ang ikalawang pinakamalaking grupo ng mga nagsasalita ng English.  Ako ay namangha na ito ay kulang na 1,000 milya sa Vietnam, 700 milya lamang sa Hong Kong at mas malapit sa Borneo at mga parte ng Indonesia (Fig. 2).

Sa katunayan habang inaaral ko ang airline map ng Asia-Pacific, aking natalos na 2/3 ng populasyon ng mundo ay maaaring maabot sa loob ng 2 – 5 oras sa pamamagitan ng eroplano mula sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila.  (Hindi mo maaaring sabihin ito tungkol sa U.S. o Europa.  Ang mga lakbayin mula East Coast ng America sa strategic area na ito ay kadalasang umaabot ng 26 oras).  Ang Indonesia ay nasa timog, ang China sa hilagang kanluran, Japan at Korea sa hilagang silangan, at mga bansang Indo-China at India sa kanluran.   Ang Pilipinas ay nasa sentro!  Ako ay excited nang maunawaan na ito ay kulang sa ½ hanggang sa 2/3 ng distansiya mula sa New York State hanggang sa California.  Ito rin ang unang pagkakataon na natalos ko na ang lupang sinasakupan na kinalalagyan ng 2/3 ng populasyon ng mundo ay hindi mas malaki kaysa sa U.S. at Canada.  Nagsimula kong makita sa espiritu na ang Pilipinas ay tunay na spiritual launching pad o stepping stone sa Asya, at nasimulan kong maunawaan ang spiritual destiny ng bansang ito na nakatago sa gitna ng Pacific Ocean at ng South China SeaExcitement ang dumaloy paitaas sa aking espiritu na may di inaasahang kagalakan at anticipation habang ako ay lumalapag sa Manila noong umaga ng Enero na yaon.  Sa pananatili ko sa Pilipinas ng 5 taon, ang excitement na iyon ay naririyan pa rin at lumalago habang namamalas ko ang mga binhi ng vision na ito ay nagsisimula nang umusbong at lumago.

 

 

 

 

 

Figure 1-The 10/40 window                         Figure 2: Philippines Strategic Located

 

IV – ANG PANGITAIN TUNGKOL SA PILIPINAS

Ang sumusunod na pangitain ay iyong sumasaakin sa espiritu.  Ibinahagi ko ang pangitaing ito at kung ano ang nararamdaman ko sa espiritu tungkol sa destiny ng Pilipinas sa grupo ng mga pastor sa Baguio noong una akong dumating sa Pilipinas noong January 1987.  Sinabi nila sa akin na nakarinig na sila ng kaparehong pangitain noong 1985.  Namangha sila na ang mga ito ay halos magkasintulad.  Ito ay tunay na kumpirmasyon ng Diyos sa kanila na nais ng Diyos na gamitin sila sa espesyal na kaparaanan at isang encouragement sa kanila pagkatapos ng mga taon ng kaguluhan dito sa Pilipinas.

Dito sa mabilisang pagkilos na pangitain, ang bansang Pilipinas (Fig. 3) ay hindi lang 7,000 na mga pulo na bumubuo ng archipelago.  Nagmistula itong gaya ng isang lalaking nakasuot ng military armor (Fig 3A) parang katulad ng isinuot ni Haring David o ng mga mandirigma noong Middle Ages.  Ang Northern Luzon ay ang helmet at plume ng lalaking mandirigmang ito, ang Palawan ang tabak sa kanyang kamay.  Ang Visayas ay nag-anyong ang dibdib at gawing puso, at ang Mindanao ang ibabang bahagi ng katawan, at ang Zamboanga at Sulu ang naging mga binti.  Ang problema, ang lalaking mandirigma ay nasa ganap na kadiliman (total darkness).

Pagkatapos mayroong nangyari.  Ang mga apoy (flames) ay nagsimulang umapoy sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, sa Manila, sa Baguio at ibang bahagi ng Luzon; sa Cebu, Iloilo, Bacolod at ibang bahagi ng Visayas; at sa Davao, Cagayan de Oro, Zamboanga City at ibang bahagi ng Mindanao (Fig. 4).  Pagkatapos ito ay naging burning bush ng Asya kung saan naroon ang apoy ng kaluwalhatian ng Diyos sa lahat ng mga kapuluan (Fig. 5).

At sa loob ng pangitain isang interesanteng bagay ang nangyari.  Ang tabak na nasa Palawan ay umabot at hinipo ang Vietnam at ang apoy ay nagningas din sa Vietnam.  At pagkatapos nakita niya ang tabak na kumilos at hinipo ang China at Hong Kong, at ang apoy ay nagningas din sa mga lugar na ito (Fig. 6 at 7).

Pagkatapos ang tabak ay nagpatuloy na hipuin ang iba pang bahagi ng Asya, at ang Southeast Asia ay umapoy sa Espiritu, gaya ng sa Pilipinas (Fig. 8).

Pag titingnan ang “10/40 Window” ay mapapansin na ang Pilipinas ay strategically kalahating nasa labas at kalahating nasa loob ng “window” na ito, parang isang pintuan (Fig. 9).  Interesante na mayroon lamang dalawang bansa na may malaking Kristiyanong populasyon na napapaloob sa window area.  Ito ay ang South Korea at ang Pilipinas.  Maraming dahilan na naniniwala ako na ang Pilipinas ay hindi lamang magiging pintuan, kundi magiging isang strategic launching pad para sa Ebanghelyo sa “10/40 Window.”  Hindi ko sinasabi ito upang magmalaki ang mga Pilipino kundi upang maunawaan nila ang burden at ang obligasyon sa pagpapahayag ng Ebanghelyo.

Ang Diyos ay nag-invest ng maraming taon ng preparasyon sa Pilipinas, at isang makapangyarihang indigenous na Iglesiya ay naipanganak at dinisipulo.  Ang mga Pilipino ay nabahaginan ng ebanghelyo at alam nila kung paano ang magbahagi ng ebanghelyo.  Mayroon silang excellent na katuruan tungkol sa praise and worship, espiritwal na pakikibaka, at intercession, at na-equip ng mga ito at iba pang sandata ng spiritual warfare.  Kaya nga kanilang idineklara sa kanilang sarili bilang “Joshua generation” na handang tumawid sa Jordan, pumunta sa labanan at angkinin ang lupain sa Pilipinas at sa buong mundo.

Noong tagsibol ng 1991, ang Banal na Espiritu ay dinala sa aking isipan ang maraming dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay narito sa strategic position na ito, at kung paanong mayroon sila ng lahat ng kakailanganin sa pagtungo sa lugar na ito bilang isang hukbo.  Ang mga Pilipino ay pwedeng pumasok bilang isang espiyang hukbo, gaya ng pagpunta nila Joshua at Caleb sa Canaan.  Maaari rin silang pumasok gaya ng mga anak ni Israel sa loob ng Jericho, kitang-kita at nakikibaka!

Pareho itong magagawa ng mga Pilipino dahil sa sila ay nag-blend in nang maigi.  Una, bilang mga Asyano, itim ang kanilang buhok!  Halos lahat ng nasa “10/40 Window” ay itim ang buhok. Ang mga blonde ay hindi nag-fit in.  Karamihan sa mga tao sa “10/40 Window” ay kayumanggi ang balat at itim ang buhok.  Yong mga may itim na buhok at kayumangging balat ay nag-blend in ng mas mabuti at mas madaling tanggapin kaysa sa mga dayuhan na may mapusyaw na buhok at balat na nagmula sa lipi ng Europe at Kanluran.  Nakakaikot sila nang hindi masyadong nakakakuha ng atensiyon at hindi napapansin.  Sa paglalakbay kasama ang Filipino team sa Hong Kong at China, madalas akong pinapakiusapang maiwan sa Hong Kong, upang hindi sila gaanong mapansin pag sila ay maglalakbay sa mga delikadong lugar upang bisitahin ang mga underground church sa loob ng Mainland China.

Ikalawa, ang mga Pilipino ay kumakain ng kanin na siyang pangunahing pagkain ng mga tao sa lugar na ito, at ang mga Pilipino ay kayang kumain ng kanin tatlong beses sa isang araw!

Ikatlo, ang Pilipinas ay nagbibigay ng isang microcosm (isang maliit na mundo) na preparasyon.  Nariyan ang malamig na bulubunduking lugar ng Benguet at Mountain Province sa paghahanda sa kanila para sa malalamig na bansa gaya ng Tibet, Mongolia, at Nepal, at ang lahat ng mga bansang ito ay sa bahaging timog ng “10/40 Window.”  Aming personal na naranasan ang halos freezing point sa mga bulubunduking iyon habang ginagawa ang ministry sa katimogang bahagi ng Pilipinas sa mga buwan ng taglamig.  Sa isang banda ay naroon ang mainit na Manila, ang mga mabababang lugar ng hilagang Luzon, at ang mga libu-libong mga pulo ng Pilipinas sa timog patungo sa ekwador upang tulungan silang mag-adapt sa lahat ng maiinit na lugar sa “10/40 Window.”

Dahil marami pang mga hindi naaabot na mga tribo, Buddhist, Muslim at iba pa na kailangang abutin, marami pang oportunidad sa kaalaman upang makapagministeryo sa mga mahihirap na abutin na mga tao.  Maraming Pilipino ang nakaranas bilang mga misyonero sa kanilang sariling bansa.

Ikaapat, ang mga Pilipino ay may natural na abilidad sa iba’t ibang wika.  Bawat isa ay mayroong kanya-kanyang dialekto na itinuro sa kanya ng kanyang pamilya.  Kung ang dialekto ay iba sa pangunahing wika ng rehiyon, sisikapin din niyang matutunan ang wikang iyon.  At naroon din ang Tagalog (Filipino), ang pambansang wika, na itinuturo sa lahat ng paaralan bilang pangkalahatang wika na sa pamamagitan nito ay nakikipag-ugnay ang bawat isa.  Sa buong Pilipinas, mayroong 117 at mas marami pang ibang dialekto.  Gayundin, karamihan sa mga geographical na paglipat ng bawat pamilya ay nangangailangan ng pag-aaral ng ibang lenggwahe.  Malinaw na binigyan ng Diyos ang mga Pilipino ng bi-lingual at multi-lingual na kakayanan.  Dahil kanilang nasasanay nang mabuti at nalilinang ang kanilang language gifting, karamihan sa mga Pilipino ay mas madaling mag-aral ng wika kaysa sa mga Westerners.

At panghuli, ang pinakamahalaga ay karamihan sa mga Pilipino ay nagsasalita rin ng English, ang market language ng karamihan sa bawat isang bansa sa “10/40 Windowwar zone.  Ang English ang medium of instruction sa karamihang Pilipinong paaralan at kadalasang ginagamit sa telebisyon at radyo, gayundin sa street signs at billboards sa buong Pilipinas.  Ang South Korea ay isang bansa sa Asya na may 30 – 35% born again Christians, pero karamihan sa kanila ay hindi makalabas ng kanilang bansa upang mag-ebanghelyo ng mahusay dahil hindi nila alam magsalita ng English.  Subalit ang mga Pilipino ay alam at nagsasalita ng English nang maigi.  Ang kahalagahan nito ay hindi matatawaran sapagkat ang command ng English language ay hindi lamang requirement sa maraming oportunidad, kung hindi ito ay nagbubukas ng pinto.  Ang dating Eastern Block Communist na mga bansa at pati na ang Russians ay ginagawang prioridad ang pag-aaral ng English upang makipag-ugnay at makapasok sa world market.  Kahit ang China ay nagbukas ng mga pinto sa mga dayuhan na makapagtuturo ng English.

Hindi gaya ng karamihan ng Asyano, ang mga Pilipino ay hindi lang sila may kakayanan sa pagsulat at pagbasa ng English, mas madali din silang intindihin kapag nagsasalita ng English.  Meron akong mga kaibigan sa ibang Asyanong bansa na nagsasalita din ng English, pero kung minsan ay nahihirapan akong intindihin ang kanilang English, at kadalasan ay iyong mga European o African na hindi ang English ang kanilang native language.  Kung minsan kinakailangan mong makinig ng tatlo o apat na beses upang maintindihan ang kanilang mga salita.  Pero ang mga Pilipino ay nagsasalita ng malinaw na English.  Malinaw na malinaw na pinagpala ng Diyos ang mga Pilipino para sa End-time na gawaing ito.  Inihanda sila ng Diyos na dalhin ang Hukbo sa war zone itong taon, sa susunod na taon at sa mga darating na mga taon.  Gaya nang madalas marinig sa Pilipinas, at alam kong ito ay totoo, Yes, the Filipino can!”

Ang Pilipinas ay nagkaroon ng economic challenge.  Subalit marami man ang nais magtungo sa mission, sila ay nahahadlangan ng mahinang ekonomiya.  Naniniwala ako na ang Diyos ay maaaring gamitin ang paglipat ng pondo sa Pilipinas sa pamamagitan ng supernatural at natural na kaparaanang pang-ekonomiya upang ilagay lahat sa ayos.  Manalangin tayo na ang Pilipinas ay managana at ang Iglesiya at mga Kristiyanong negosyo ay yumabong.  Kailangan nating manalangin, kumilos, at maniwala na ang Diyos ay pagpapalain ang Pilipinas sa ganitong kaparaanan.  Gaya ng nasasabi sa Bibliya, ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihang gumawa ng kayamanan at mga trabaho.  Ang kalikasan ng Pilipinas ay mayaman, pero ang mga ito ay hindi pa exploited.  Ating angkinin “sa pangalan ni Hesus” ang kayamanan ng bansang ito para sa mga tao at magpadala ng mga Pilipino sa anihan.  Ating ipanalangin na marami pang mga tao ang magkaroon ng mga negosyo, at gaya ng sinabi ng Bibliya…ang kayamanan ng masama ay malilipat sa mga kamay ng mga matuwid (Prov. 13:  22).  Manalangin na makukuha nila ang kanilang salapi at ating maranasan ang pangako ng Bibliya ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagbigay sa atin ng kakayanan na gumawa ng kayamanan (Deut. 8: 18).  At bilang mga tao ng Diyos, na natutunan ang pagbibigay sa kaparaanan ng Bibliya, ang mga Pilipino ay ipapalaganap ang ebanghelyo sa buong Asya at buong mundo.  Habang aking isinusulat ang librong ito, ako ay nabubuhayan ng loob sa balita nang mayamang nakitang langis dito sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay napipilitang magpadala ng 1 hanggang 2 Milyong mga Pilipino upang magtrabaho sa labas ng Pilipinas.  (Gayundin maraming professional ang umalis na upang manirahan sa U.S., Canada, Europe at saan pa, naghahanap ng mas mabuting mga trabaho at pagkakakitaan.)  Isa sa mga dakilang exports ng Pilipinas ay ang mga tao.  Marami ang nagtatagumpay sa paghayag ng Ebanghelyo dito sa “10/40 Window.”  Kahit magandang tingnan ang mga Pilipinong manggagawa na bumalik at managana sa isang lumalago at matatag na Philippine economy, sila ay nagtatanim ng mga binhi at gumagawa ng spiritual impact sa mga bansa kung saan sila nagtratrabaho.  Oo nga’t ang mga overseas contract workers ay nasa loob na ng “10/40 Window” na gumagawa ng advance work ng Hukbo, ang iba pang Hukbo ay dapat pang ipadala mula sa Pilipinas, hindi bilang contract workers kundi bilang Hukbo ng Diyos. Ito ay mangyayari sa maramihang suporta na magmumula sa mga Pilipinong mananampalataya at ang mga simbahan, kapag ang Pilipinas ay maging missionary sending nation!

Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagsimula na Siyang magpadala ng mga manggagawa sa anihan mula sa Pilipinas.  Hindi lamang technical at non-technical na mga manggagawa ang pupunta, kundi maliit subalit lumalagong grupo ng missionaries suportado ng mga Pilipino ay kailan lang ay ipinadala sa Asya.  Kahit na ang ekonomiya ay hindi pa nananagana, ang mga Kristiyano sa Pilipinas ay nakuha ang vision, at ang mission ay naging priority at ang mga sakripisyo ay ginagawa upang suportahan ang mga hakbanging ito.

Isang Kahalintulad na Pangitain

Nais kong ibahagi ang isang bahagi ng isang sulat na natanggap ko kailan mula sa dating YWAMer.  Sabi niya, “Noong huling 3 buwan ng 1991, ginugol ko ang karamihan ng aking panahon sa Southeast Asia at China, naglalakad pataas at pababa sa length at breadth ng lupain, interceding at ‘giving birth’ sa espiritu.  Inutusan ako ng Diyos na pumasok bilang ‘espiya’at ihanda ang daan para sa iba na susunod sa madaling panahon.  Mula Singapore, ako ay naglakbay patungong north sa Malaysia, Thailand, Thailand hanggang sa border ng Kampuchea (Cambodia) at Laos, sumasakay sa mga bus, train at ferries, inaangkin ang bawat pulgada ng teritoryo para sa Kaharian ng Diyos.

Habang ako ay naglalakbay sa Asya, ang Panginoon ay nagsimulang mangusap sa akin sa mga panaginip at mga prophetic vision tungkol sa kung ano ang uusbong sa rehiyon na yaon ng mundo; ang great outpouring ng Espiritu ng Diyos at mass harvest ng mga kaluluwa ay malapit nang maganap.  Naniniwala ako na ang major epicenter ay ang Pilipinas, lalaganap palabas patungo sa Vietnam, China, Malaysia, at sa iba pang bansa sa Asya.”

Naisip ko na interesante na nakita ni Grant hindi lamang katulad ng vision ko, kundi ang pattern ng evangelism na aking ibinabahagi.  Wala siyang malay na aking ibinabahagi ang parehong pattern ng pagtungo sa Vietnam, China, Malaysia, at iba pang bansa sa Asya.  Ganundin may mga ibang Kristiyano na nagbigay ng parehong mga salita at pattern ng divine plan at purpose ng Diyos.  Marami, pati na ang mga Pilipino, ang makakarinig ng cadence at beat ng Banal na Espiritu, ang heartbeat ng Diyos Ama at ni Hesus ang Anak, at sila ay nagsisimula nang dalhin ang Ebanghelyo sa mga lugar na ito sa “10/40” War Zone!

Idinagdag pa ni Grant, “Naniniwala ako na ang nakaraang mga lindol at volcanic activity sa Pilipinas ay senyales lamang ng dakilang Gawain na nagaganap din sa spiritual realm sa bansang yaon bilang paghahanda sa greatest revival at pag-ani ng mga kaluluwa na makikita pa lamang sa Asya.”

Isa pang aspeto ng parallel vision na ibinahagi ni Grant, at nagkataon isa sa mga main functions ng ating ministry ay “to network” sa mga mayroon ding kaparehong vision, upang maging kalakasan tayo sa isa’t isa.  Kailangan nating maging interrelated sa ating mga pagsisikap sapagkat ang “baha-bahaging Hukbo ay hindi epektibo.”  (Tandaan na ang hukbo ay di dapat mag-break rank, kailangan nating tigilan ang pagtulak sa bawat isa). “Ang ani  sa Asya ay napakalaki na hindi natin kayang mahati at magkabaha-bahagi.  Sa dalawang dekada, ang mga Communists ay nagtayo ng mental strongholds sa mga isipan ng Chinese, Vietnamese, at iba pa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng doktrina ng “atheism.”  Naroon din ang stronghold ng ibang Eastern at world religions sa lugar.  Ang mga strongholds na ito ay madaling mabubuwag kapag ang Hukbo ng Diyos ay gumising mula sa valley of dry bones at pumunta sa divine order at authority sa direksiyon ng Commander-in-Chief, si Hesukristo, na nangunguna sa isang Hukbo.”

Nakakaramdam kami ng “kindred spirit” ng kapatid na ito.  Nakilala ko siya minsan pero hindi namin napag-usapan ang common vision na ito na kanyang ibinahagi sa kanyang sulat.  Ang Frontline Evangelism ay personal na ibinabahagi ang vision na ito, at ito ang aming “heartbeat” simula pa sa mga unang araw na dumating kami sa Pilipinas.  Ang Diyos ay nagpadala sa amin sa mga bansa, ngunit ang Pilipinas ang unang bansang pinagdalhan Niya sa amin.  Amin nang nauunawaan ngayon ang strategic reason kung bakit.  Ang Life Schools of Ministry, ang aking tinulungang mapasimulan sa Pilipinas noong 1987, ay structured upang bigyan ang mga estudyante ng on-the-job training, hands-on na karanasan, at head-and-heart na kaalaman sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.  Sa ganang akin, mayroon akong edukasyon sa seminaryo pero hindi nito nailabas ang Ebanghelyo.  Ang ganitong uri ng head knowledge ay kailangan ng karagdagang praktikal na hands-on na karanasan.  (Kami siyempre ay hindi laban sa edukasyon.  Sa katunayan, meron kaming mga kurso at curriculum na bukas upang tulungang sanayin ang mga tao sa level ng Bible college at seminary.  Ang mga ito ay dinisenyo upang tulungan ang mga tao na maihanda higit pa sa Bible study o lay level.  Mayroong Associate, Bachelor, Masters at Doctorate degrees sa pamamagitan ng Christian International School of Theology).

Ang ani ay hinog na ngayon! Wala tayong walong taon na ihanda ang isa upang pumunta sa Vietnam, o sa iba pang lugar sa loob ng window.  Wala tayong walong taon, meron tayong mga buwan!  Kaya tayo ay nagsasanay nang mabilisan at ipinapagpapatuloy ang kanilang edukasyon habang ginagawa nila ang Ebanghelyo!  Gaya ng sinabi ni Hesus, ang ani ay hinog na; kailangan nating manalangin at ihanda ang mga manggagawa upang sila ay maipadala nang mabilisan.  Ang pangangailangan para sa mga manggagawa ay malaki.  Maraming mga iglesiya na nagsisimula bawat linggo sa buong Africa at Asya.  Kailangan nating maghanda at magpadala ng mga bagong mga manggagawa bawat taon upang tulungan ang mga naroon na sa hinog na anihan.  Wala tayong walong taon na mag-antay!

 

 

 

 

 

 

 

Figure 3: The Philippines                                               Figure 4: The Philippines as a Warrior


Figure 4:  Flames Bursting Forth Throughout the Islands

Figure 5:  The Philippines as the Burning Bush of Asia

Figure 6A:  The Sworn Moving On

Figure 7:  The Sword Touches Hongkong and China

Figure 8:  Asia Ablaze with the Glory of the Lord

Figure 9:  The Philippines a “Doorway” into the “10/40 Window”


V – ANG KALUWALHATIAN NIYA’Y MAGMUMULA SA SILANGAN

Ang mga malalalim na insight na binuhay ng Banal na Espiritu na tugma sa vision at nasambit sa liham ay ang kaluwalhatian ng Diyos ay magmumula sa Silangan (East)!  Ang exciting na kaisipan ay nagmula sa Ezekiel 43 at napakainteresante rito kung pagbabatayang  historically ayon sa kontexto kung ano ang nangyari sa libro ng Mga Gawa at ang landas ng Ebanghelyo.

Si Paul at Silas ay ipinadala bilang mga misyonero sa Asia Minor, pero isang interesanteng bagay ang nangyari sa Kapitulo 16 ng libro ng Mga Gawa.  Ang bersikulo 16 ay nagsasabi, “Pinagbawalan sila ng Banal na Espiritu na ipahayag ang salita sa Asya.”

Iyan ang sovereign choice ng Diyos.  Ang Ebanghelyo ay nagsimulang magtungo sa Silangan patungong Pilipinas, pero ang Banal na Espiritu ay pinigilan si Paul at ang kanyang mission team.  At kinagabihan, isang vision ang nakita ni Paul, kung saan nakita niya ang isang lalaki sa Macedonia na nakatayo at tumatawag, “Pumunta kayo dito sa Macedonia at tulungan ninyo kami.”  Ito ay kilala bilang “Macedonian Call” sa Church History (Fig. 10).  Si Paul ay pinatigil ng Banal na Espiritu!  Siya ay pinahinto sa pagpunta sa Asya at sa halip ay ipinadala sa Kanluran (West).  Kaya ang Ebanghelyo mula sa puntong iyon ay nagtungo papunta sa Kanluran sa pamamagitan ng Greece at Italy, pagkatapos sa buong Europe at sa wakas ay sa United States.

Noong katapusan ng 1800’s pagkatapos ng revival, ang vision for missions ay naisilang, at ang mga misyonero ay dinala ang Ebanghelyo sa buong mundo.  Ang mga misyonero ay nagpunta sa China, India, sa Pilipinas at maraming mga African at Asian na mga bansa.  Naniniwala ako na ito ay sovereign move ng Diyos.  Ito ay mula sa mga binhi ng Ebanghelyo na naitanim at sa mga buhay na inialay na ngayon sa katapusan ng 20th century ang Ebanghelyo ay lumalaganap, mabunga at maramihang inaani.

Ang sabi ng Ezekiel 43, “Tingnan ninyo, ang kaluwalhatian ng Diyos ay dumating mula sa silangan: at ang Kanyang tinig ay tulad ng ugong ng maraming tubig.”  (Sa akin, ito ay tunay ngang tunog ng Hukbo) at nagliwanag ang mundo dahil sa Kanyang kaluwalhatian” (v. 2).  “At ang kaluwalhatian ng Diyos ay dumating sa pamamagitan ng gate na ang patutunguhan ay ang silangan! V. 4.  Tunay ngang ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay darating mula sa Silangan!  Nakikita mo bang nangyayari?  (Fig. 11).  Ang mga binhi na naitanim noong mga nakalipas na mga dekada ay ngayon lumago kung saan ang Eastern na Iglesiya (specifically ang Asian at African) ay mabilis na lumalaki kaysa sa parent o Western Church.  Milyon na ngayon ang mga “born again” na Kristiyano sa Pilipinas at Korea.  Ang China mismo ay may 50 – 55 Milyon na Kristiyano at ang estimate ng iba ay umaabot ito hanggang 100 Milyon ang Kristiyano sa 1.2 B na populasyon.  Nagsisimula nang makita na ang geographical balance ng bilang ng mga mananampalataya ay nagbabago mula sa kanluran papunta sa silangan patungo sa “10/40 Window.”  Ang silangan ay makikita na ang kaluwalhatian ng Panginoon na magniningning.  At habang ito ay nagpapatuloy na magniningning, naniniwala ako na ang Ebanghelyo ay magpapatuloy sa Far East hanggang sa Middle East patungo sa Near East at sa madaling panahon ang buong lugar ay mag-aapoy sa Kanyang kaluwalhatian habang ang final harvest ay inaani!  (Fig. 12)

Naniniwala ako na ang Ebanghelyo ay magpapatuloy na lalaganap sa Far East at mapapasok at mababahaginan ang “10/40 Window.”  Ang manpower ay narito.  Ang mga tao ay maaaring pumunta.  Ang Asyano ay maaakay ang kapwa Asyano.  Naniniwala ako na ang destiny ng Pilipinas ay upang magtayo ng Hukbo ng Panginoon at humayo.

Sabi ni Hesus na ang “Gospel of the Kingdom,” isang full Gospel, ay maipahahayag sa “10/40 Window.”  Ang ibang scripture reference ng salitang “Gospel of the Kingdom” ay diretsong nakakabit sa power evangelism, isang signs & wonders na demonstrasyon ng Ebanghelyo kung saan ang mga tao ay napagaling at napalaya (Matt. 4: 23; 9: 25).  Sinabi ni Hesus na ang ganitong uri ng Ebanghelyo ay dapat na ipahayag sa buong mundo.  Sinabi Niyang isa itong magiging senyales na mangyayari pag ang End-time ay malapit na.  At malalaman natin na ang henerasyon na makakakita nito ay hindi lilipas (Matt. 24: 33, 34).  Oo, makikita natin na ang “10/40 Window” ay mag-aapoy sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at mangyayari ang revival!  Sinabi sa Zechariah 2:  11, “At maraming mga bansa ang pasasakop sa Panginoon sa araw na iyon, at sila ay magiging mga tao Ko; at Ako ay maninirahan sa kalagitnaan nila.”  Alam nating totoo ito sapagkat ang Rev. 5: 9 ay nagsasabing maraming mga tao mula sa ibang lahi, at wika, at lipi, at bansa na nakatayo sa harap ng trono umaawit “Ikaw ay namatay at kami ay tinubos para sa Diyos sa pamamagitan ng Iyong dugo.”

Ang Diyos ay kumikilos at ang mga tao ay nakahagip ng vision.  Payag ka bang ihandog ang iyong buhay, magdanas ng persecution sa “10/40 Windowwar zone, at maaaring maging martyr para sa Panginoon?  Payag ka bang dalhin ang Ebanghelyo sa “10/40 Window” hanggang ito ay umapoy sa Banal na Espiritu at sa wakas sa Kaluwalhatian ng Diyos?

Figure 10:  Gospel Turned Toward the West by the Holy Spirit. Acts 16: 6-10

Figure 11:  The Glory of the Lord Coming by Way of the East

Figure 12:  “10/40 Window” Ablaze in His Glory

O ARMY OF GOD ARISE

AND TAKE UP YOUR SWORD

WITH HIS PRAISES IN YOUR MOUTH

DECLARE THE WORD OF THE LORD!

VI – MAGAGAWA ITO!

Sa pagharap ng hamon sa pag-abot sa “10/40 Window,” ang Iglesiya ay kinakailangang maglabas ng maraming mga tao at ang kinakailangang salapi upang mapanalunan ang final war na ito!  Laging sinasabi na ang Ebanghelyo ay libre.  Ang regalo ng Diyos ay hindi maaaring kitain, mabili o maabot sa pamamagitan ng mabubuting mga gawa, pero lagi nating nalilimutan ang kabilang dako – hindi ito mura (cheap). Ang buhay ni Hesus ang kabayaran.  Maraming mga martir ang nagtigis ng kanilang mga dugo mula sa sinauna at nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon kung saan marami ang pinapatay sa buong mundo bawat taon.  Hindi lamang mga di matawarang sakripisyo ang ginawa ng mga pumanaw na, pero ang mga nanatili sa bansa ay nagbibigay din ng milyun-milyong salapi upang sila ay pahayuin at suportahan.  Marami ring oras ang ginugol ng mga prayer warriors para sa larangan ng mission.  Ang mission ay isang team effort, at sa eternity ay makikita natin na ang buong team ay mabibigyan ng parangal sa mga napanalunang Gawain.  Bilang mga misyonero, tunay na aming nauunawaan na kami ay bahagi lamang ng team, at kami ay nagpapasalamat ng marami sa iba pang kasama ng team na may puso sa mission at tapat na sumusuporta sa amin sa pananalangin at binabalot kami ng panalangin.

Aking naibigan ang sinabi ni Ed Chin, Director ng EvertPath sa isang Christian Conquest na artikulo, “Kahit sa kasalukuyan, libong mga misyonero ang nasa labas sa pamamagitan ng pangako.  Sa pamamagitan ng pananampalataya kanilang inilalagay ang talampakan ng kanilang mga paa sa contested ground.  Dinadala nila ang Ebanghelyo sa madidilim na mga lugar sa mundo at pinalalaya ang mga nakagapos.  Binibili nila ang mga regalo ng Diyos, at kung minsan ang halaga ay napakataas.  Ang history ng mission ay isang kuwento ng dakilang sakripisyo, selflessness at martyrdom.  Nagpapatuloy ito ngayon.  Ang ibang mga misyonero ay bumibili pa ng kaligtasan at kalayaan para sa iba sa pananalapi ng sariling dugo.”

Idinagdag pa niya “…namumuhay tayo ngayon sa gitna ng isa sa most cataclysmic changes” sa history ng mundo.  Ang mga pulitikal at gobyernong pagbabago sa globo ay nagbibigay ng unbelievable na oportunidad para sa pagdeklara at paglimbag ng Ebanghelyo sa buong mundo.  Ang mga pintuan ay bukas, pero ang pagpasok doon ay may mga regalo na mahal.  Ang regalo ng Diyos ay libre – pero hindi ito mura (cheap)!”

Ang iyong pagbibigay ay kinakailangan upang mapagtagumpayan ang last frontier na ito pero huwag kang huminto sa pagbibigay ng iyong ikapu sa iyong local na iglesiya o ihinto ang pagbigay sa mga misyoonerong iyong sinusuportahan ngayon sa buong mundo. Ang iyong iglesiya at ang mga misyonerong iyon ay kailangan ang iyong patuloy na panalangin at tapat na pagbibigay upang makapagpatuloy.  Marami ang pumunta sa anihan sa pamamagitan ng pledged funds ng kanilang mga simbahan at mga tao, at pagkadaka ang mga pangakong ito ay ginagamit o inilipat sa darating na mga misyonero na bumibisita sa kanilang simbahan pagkatapos ng ilang buwan.  Isang covenant relationship ang kailangang maganap sa giver at sa “goer” sa pangmatagalang panahon ng at least isang taon, at kung maaari marami pang mga taon kung posible.  Nagbibigay ito sa misyonero na makagalaw sa inaasahang budget bawat buwan at magplano ng long range projects na may lasting value.  (Ang misyonero naman ay siyempre dapat ding pumayag na magbigay ng kaukulang accountability).  Kung kinakailangang putulin ang suporta, makatutulong kung magsasabi nang mas maaga upang ang misyonero ay makahanap ng bagong suporta o i-adjust ang budget kung posible.  Ang regular na monthly support ay mahalaga sa misyonero, pero huwag ding ipagwalang bahala ang kahalagahan ng one-time na mga regalo.  Ito ay mga pagpapalang mula sa Panginoon na nagbibigay sa misyonero na gawin ang extra na mga bagay, tugunan ang mga pangangailangang kanyang ipinapanalangin, o sa maraming pagkakataon ang unexpected expenses sa anihan.

Gayundin, huwag kaliligtaan ang pagbibigay sa special disaster na mga sitwasyon, outreach at oportunidad gaya ng kamakailang pagbubukas ng Eastern Europe at Russia.  Ang Iglesiya ay kinakailangang magtungo kaagad sa pamamagitan ng mga pintuang ito ng pagkakataon at take territory para sa Hari.  Nakalulungkot na makita ang mga pintuang ito na tunay na oportunidad na nagbubukas … at nagsasara dahil sa ang mga pondo ay wala.

Isang Hamon

Ang “10/40 Window” ay ang last frontier na sasakupin. Kailangan nating pasukin at simulan ang beachheads para sa Ebanghelyo sa war zone na ito, pero hindi ito magagawa ng walang pera.  Aking hinahamon ang bawat isa na nagbabasa ng librong ito, bawat simbahan, at bawat iglesiya na magbigay kahit 1% ng kanilang buwanan o taunang kinikita, bukod pa sa kanilang ikapu at kasalukuyang pagbibigay upang tulungan ang pagdala at pagpapahayag ng Ebanghelyo sa final frontier na ito.  Kung sisimulan natin ngayon at magbigay hanggang matapos ang Gawain, ang Ebanghelyo ay hahayo at ang pag-aani ay makukumpleto.  Hindi mahalaga kung saang organisasyon o ministry sa “10/40 Window” iyong itatanim ang iyong salapi.  Ito ay makatutulong sa common effort at sa wakas ay makatutulong sa pag-impact at pag-abot ng Ebanghelyo sa 95% ng mga di pa naaabot na mga tao sa mundo.   Ang mahalaga ay magdesisyong “to make a differencesa pagbibigay ng 1% sa mga nagmiministeryo sa “10/40 Window.”

Kahit na parang ang “10/40 Window” ay mukhang isang overwhelming giant, ang isang empowered na Iglesiya na naka-focus sa kanyang target gaya ni David sa bato sa kanyang tirador, ay magagawang tumbahin ang huling makapangyarihang higante, ang “10/40 Window.”  Makikita nating ito ay umaapoy sa Espiritu at ng tunay na revival ng Banal na Espiritu.

Kami ay nananalangin na dahil sa bahagi na iyong gaganapin at ang impact na magkakaroon ka sa huling great revival harvest, magkakaroon ng dakilang hukbo sa langit na aawit, “Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakalulon, at sumira sa mga tatak niyon.  Sapagkat pinatay Ka, at sa pamamagitan ng Iyong dugo ay tinubos mo kami para sa Diyos, mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.” At ikaw at ako ay tatayo din kasama ang mga naabot, at tayo ay magagalak nang sama-sama at sasabihing “Si Hesus ay ginawa tayo sa ating Diyos bilang mga hari at mga pari at tayo ay maghahari sa mundo!” (Rev. 5: 9 – 10).

Nagtitiwala ako na ang iyong puso ay nahipo habang ikaw ay nagiging maalam kung ano ang ginagawa ng Diyos, at iyong pipiliin na maging kabahagi sa pagtupad ng Prophetic vision para sa Pilipinas, at sa pag-abot ng “10/40 Window” para kay Hesus.

VII – PANGWAKAS

Maraming taon na ang nakalipas mula nang ang Prophetic Vision ay unang naisulat.  Kahit na ito ay ang aming ipinapahayag nang maraming beses, nagsimula naming ipahayag ang vision na ito nang hayagan sa Manila noong Pebrero 1992.  Ang vision ay ipinapalaganap sa mga libu-libong tao sa buong mundo.  Karagdagan dito, aming ibinabahagi ito sa maraming 10/40 Window seminars at mission conferences.  Kahit ang isang photocopy ng libro ay ipinadala sa Dumaguete City, Philippines mula sa Saudi Arabia.  Marami ring mga kopya ang naipakalat sa States at iba pang mga bansa.  Sa mga nakalipas na mga buwan, nakatanggap kami ng maraming mga liham mula sa Congo sa West Africa, overseas contract workers sa Singapore, Malaysia, Hong Kong at saan man dako kabilang na ang isang Filipino seaman sa Greece.

Ang mga Pilipino ay nagsimula nang tumakbo ayon sa vision!  May luha sa kanilang mga mata, kanilang nakilala ang kanilang destiny at nagsimula nang “to give and to go.”  Sila rin ay nananalangin nang taimtim para sa 10/40 Window.  Ang panalangin ay umuusbong sa lahat ng dako ng pulong nasyon na ito (7,107 islands!).  Ang mga awitin ay nalilikha mula sa mga Filipino songwriters na sumasaliw sa magagandang mga tugtugin, parang isang symphony, sa pagdiriwang ng kanilang destiny at ng kanilang “call to the nations!”

Ang pagmamahal nila sa ibang mga bansa ay lalong napaigting sa pagkarinig nila ng tungkol sa kanilang destiny.  Sila ay tumutugon nang may pagmamahal sa konsepto na sila ay “lovers and not fighters!  Ang salitang ugat na “Phil” ng Philippines ay mula sa salitang Griego, Phileo, “to love” (brotherly love gaya sa Philadelphia).  Ang “ip” na ibig sabihin ay “horses.”  Kaya ang orihinal na kahulugan ng Philip ay “lover of horses.”  Gayun nga, gaya ng Philadelphia, ang salitang ugat ay lover at hindi fighter!

Ang bansang Pilipinas sa kasaysayan ay kailanman hindi naging isang mapandigmang bansa laban sa ibang mga bansa sa Southeast Asia o saanman sa mundo.  Ang Diyos ay iningatan ang kanilang pangalan bilang isang lover at hindi fighter sa natural.  Ito siyempre ay nagbibigay sa kanila ngayon ng kakayanan upang magtungo sa anumang bansa sa mundo dala ang Ebanghelyo sapagkat hindi sila nagdulot ng war hurts or scars of memories sa anumang grupo ng tao.  Ngayon ang militanteng Iglesiya ng Panginoong Hesukristo na may umaapoy na tabak sa kanilang mga kamay (Palawan) ay tumitindig na sa espiritu.  Sila ngayon ay dumadaloy sa mga bansa sa 10/40 Window at labas pa rito!

Noong nailimbag ang librong ito, marami ang nagtungo sa mga bansa sa unang pagkakataon.  Ang kaibigan naming si Pastor June ay nagtatag ng maraming iglesiya sa Pilipinas at nagsimula rin ng iglesiya sa Hong Kong.  Si Pastor June ay nagkaroon na ng tatlong Mission Team na nagtungo sa China.  Nalikom nila ang lahat ng kanilang mga salapi sa Philippine peso, sa bulubunduking mga probinsiya hindi sa Manila.  Ang matataas na mga probinsiyang ito ay economically restricted at kadalasang binabayaran ang mga pastor ng karne, patatas, repolyo at anuman ang kanilang itinataguyod. Ngayon higit nang 20 misyonero mula sa ministry sa mga bulubunduking probinsiyang ito ay yumaon upang magministeryo at magdala ng libu-libong mga Bibliya at tracts sa loob ng China.  Sila ay nagtatagal ng 2 o 3 linggo bawat pagkakataon sa halagang $800.00 bawat tao (suweldo sa buong taon para sa isang average Filipino) upang madala lamang ang Ebanghelyo at mga Bibliya sa bansang ito!  Hindi nila ito binigyan ng dahilan sapagkat God can provide!

Ang iglesiyang Pilipino ay gumagalaw sa tulong ng Panginoon at ng Kanyang probisyon!!!  Kanilang inaangkin ang mga bansa para sa kanilang heritage (Psalm 2: 8).  Kahit na ang kanilang ekonomiya ay nagsisimula nang umangat.  Purihin ang Panginoon, ang inihayag na paglago ay parating na!

Gayundin, ang destiny sa kanilang pangalan ay makikita sa katunayang ang Pilipinas ay ipinangalan mula kay Haring Philip II ng Spain noong 1543.  Si Haring Philip II ay ipinangalan mula kay Philip ang Ebanghelista ng kanyang ina na ninais na siya ay maging missionary-evangelist gaya ni Philip sa libro ng Acts, pero siya ay lumaki bilang isang hari!  Interesanteng si Haring Philip pagkalaon ay nagsabi sa kanyang katandaan na papayag siyang iwanan lahat ang kanyang kayamanan kung kanya lamang maakay ang isang bansa sa Panginoong Hesus.  Naniniwala ako na ang kanyang panalangin ay nasagot pagkalipas ng 400 taon!  Ngayon ang bansa na nagdadala ng kanyang pangalan ay umaangat sa revival-harvest upang dalhin ang Ebanghelyo sa Asya at sa buong mundo!  Tunay na ang Pilipinas ay nagiging isang Kristiyanong bansa.  Ang mga Pilipino ay may mga bagong lahi ng Missionary-Evangelist sa mga bansa!

Ang mga Pilipino rin ay di gaanong may suliranin sa culture shock.  Sila ay naging shockproof sa pamumuhay sa isang bansa kung saan nakikita nila ang kahirapan o malapit dito.  Inihanda sila upang makayanan ang kahirapan sa mga bansa sa 10/40 Window kung saan 82% ng mga pinakamahirap sa mundo ay doon nakatira.

Marami ang nagsabi sa akin – “Pastor Bill, hindi kami katulad ng maraming misyonero na nagpunta dito sa aming bansa na nakatira sa five-star hotels, payag kaming matulog sa open air  “all star hotel” habang ibinabahagi ang Ebanghelyo sa buong Pilipinas.  Aking personal na pinasasalamatan ang Diyos na ang mga Pilipino ay nagsisimula nang itaas ang kanilang mga ulo subalit nananatiling mapagpakumbaba na gawin ang anuman upang maihayag ang Ebanghelyo at ipakita ito sa kontinente ng Asya at sa mga bansa sa “10/40 Window!”

Ang mga Pilipino ay shockproof din dahil sa mga kaganapan na nangyari sa kanilang bansa sa mga nakalipas na taon.  Sila ngayon ay mukhang shockproof at handa na para sa anuman, saanman, anumang oras!  Sila ay namuhay sa natural at politikal na mga sakuna, namuhay sa pagsisilbi sa mga Español, Amerikano, at pagkatapos ng mga Hapones noong World War II, at nagdusa nang matindi noong mga taon ng digmaang 1896-98 at 1942-46.

Ngayon sila ay ganap nang malaya!  (Ang American military bases ay sa wakas tinanggal habang inihahayag namin ang mensaheng ito noong 1991-1992).  Maraming mga dayuhan at mananakop ay nilisan ang kanilang lupain subalit ngayon ay nagsisibalik bilang mga friendly investors dahil sa potensyal sa economic growth at economic return sa Pilipinas.  Mabuhay!

Gayundin, sila ay ginawang shockproof ng coup shocks (pito sa anim na taon pagkatapos ng EDSA, ang people power bloodless revolution na nag-alis sa Marcos’ dictatorship sa kapangyarihan noong Pebrero 1986), ang earthquake shock, ang volcano shock, at brown-out shock!  Noong 1992-1993, ang mga brown-out ay nagtatagal hanggang 12 oras bawat araw at hindi mo alam kung kailan ito darating.  Kung minsan ang mga ito ay mangyayari patay sindi maraming beses sa isang araw!  Ito ang pinakamagandang preparasyon para sa “rapture” na aking naranasan dahil hindi mo malalaman kung kailan ito mangyayari!  Sa isang iglap ikaw ay nasa kadiliman, o mawala lahat ang nasa iyong computer o bigla ay maipit sa traffic jam dahil ang mga street lights ay namatay!

Mula sa unang edition ng librong ito, maraming mga kuwento at pagtugon ang nagpamalas ng kakaibang mga “gifting” ng mga Pilipino bilang mga misyonero.  Lalung lalo na ang kanilang linguistic gifting na nabanggit sa main text ng librong ito.  Isang kamang-manghang kuwento (sa aking western mind na nag-aangkin ng ibang linguistic gifting dahil personal akong nag-aral ng 7 lengwahe bukod sa English at nakapagturo ng dalawa dito sa university at seminary level) ay ang isang Filipino team na nagtungo upang magministeryo at magtanim ng iglesiya sa Russia at sa loob ng 90 araw nag-lead ng praise and worship sa salitang Russia!

Ang ikalawang kuwento ay tungkol sa Navajo language ng grupo ng American Indian.  Ang kanilang lengwahe ay napakahirap kung saan ang United States at Allied Forces ay ginamit ito bilang isang code language noong World War II.  Hindi ito na-crack bilang isang code o language sa kanilang military radio communications sa buong panahon ng giyera.

Ang Amerikanong iglesiya ay sinubok nang maraming beses na magkaroon ng epektibong gawaing missionary work upang maabot ang Navajo people pero hindi ito gaanong nagtagumpay.  Kamakailan, ilang mga Pilipino ang sinubukang gawin ang parehong Gawain.  Sa pagkakataong ito ang mga Indians ay nakipag-ugnay nang mas maigi dahil sa kanilang sariling Asian roots, at ang mas malapit na kahalintulad ng kulay ng balat, at siyempre ang parehong kulay ng buhok.  Ngunit higit sa lahat, kanilang narinig ang Ebanghelyo nang matatas na inilatag sa sarili nilang wika sa unang pagkakataon. Ang Filipino team ay natutunan ang Navajo sa loob ng 6 buwan at nakapagsimula ng lumalagong iglesiya!  Dahil sa kanilang natural gifting ang mga Pilipino ay ginawa ang mahirap na sitwasyon bilang isang tagumpay!!

KATAPUSAN (By the Translator)

Ang prophetic vision para sa Pilipinas ay naihayag na.  Panahon na upang tayo ay kumilos!

Bilang mga Pilipino, ano ang magagawa natin?  Sama-sama tayong gumawa bilang isang lahi – basagin natin ang pader ng lahi, relihiyon at paniniwala.

Ang Panginoong Diyos ay itinalaga ang Pilipinas para sa isang dakila at magandang  adhikain.  Hindi tayo nilikha nang aksidente.  Tumindig tayo at ganapin ang ating panawagan.  Sino ang nakababatid na tayo ay napunta sa kaharian sa ganitong pagkakataon?  Gayundin, tayo ay magbantay na di gawin ang ating kadahilanan.  Pag ipinagwalang-bahala natin ang pangyayaring ito, tiyak na may magliligtas din sa mga naliligaw mula sa ibang panig, pero tayo at ang ating angkan ay malilipol” (Esther 4: 14).

Ipinapanukala na ating sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ating munting kaparaanan at masdan ang makapangyarihang paggalaw ng Diyos sa atin at sa pamamagitan natin bilang isang bansa:

R – MAGSISI (REPENT)

Bawat isa sa atin ay dapat na pakinggan ang sinasabi sa II Chronicles 7: 14 na nagsasaad “Kung ang Aking mga tao na tinawag sa Aking pangalan ay magpapakumbaba at manalangin at tumalikod sa mali nilang gawain, Aking diringgin mula sa langit at pagagalingin ang kanilang lupain.” Tayo ay magsisi sa ating mga indibidwal na mga kasalanan at ganundin ang mga pagkakasala natin bilang isang lahi.

P – MANALANGIN (PRAY)

Manalangin ng taimtim at patuloy upang ang Gawain ay sumulong at magtagumpay sapagkat tayo ay di nakikipagbaka laban sa laman at dugo kundi laban sa mga prinsipalidad, kapangyarihan at pinuno ng kadiliman (Ephesians 6: 12).

G – HUMAYO (GO)

Humayo sa  10/40 Window zone maaaring bilang isang contract worker o missionary.  Dalhin mo ang Ebanghelyo sa lugar na yaon.  Kung ikaw ay nasa 10/40 Window na, maaari mong isalin ang Bibliya o mga pambatang babasahin sa wika o dialekto nila upang mas madali silang maabot.  May mga Christian organizations na maaari itong ilimbag.

O – MAGPLANO (ORGANIZE)

Bilang isang iglesiya o organisasyon, gumawa ng mga plano upang magampanan ang mga missions work sa mga nasyon na ito katulad ng medical/dental, pagtuturo, misyon, tagadala ng Bibliya at iba pa.  Maaaring magplano ng short-term o long-term missions work.

E – MAGHANDA (EQUIP)

Maghanda para sa Gawain.  Mag-ayuno.  Manalangin.  Isaulo ang Salita ng Diyos.  Sa mga lugar na iyon, ang Bibliya ay maaaring ipinagbabawal ngunit kung ito ay “nalunok” sa iyong puso, puwede itong ilabas kung nasa loob na ng zone.

S – MAGPADALA (SEND)

Pwede kang makapagpadala ng mga nakahanda na at bukas loob ang pagtungo sa pamamagitan ng pagkakaloob; pagkakaloob ng may sakripisyo.  Ang kandidad ay hindi mahalaga sapagkat ang bawat salapi kapag ito ay pinagsama-sama ay magkakaroon ng malaking halaga.  Maaari kang mag-isip ng mga paraan para sa fund-raising. Mag-solicit kung meron kang kakayahang ganito.  Hindi ba’t may adhikain?  At tandaan, hindi natin mahihigitan ang pagbibigay ng Diyos!  Maaari mo ring ipalimbag ang librong ito.  Tingnan ang pangalan ng naglimbag sa mga unang pahina o pumunta sa website na https://harvestseedoflight.wordpress.com.

N – NETWORK

Makipag-ugnay sa iba pang mga missions group o iglesiya sapagkat mayroong kapangyarihan sa pagkakaisa.

A – KAILANGAN MAGING BORN AGAIN

Kung hindi mo pa tinatanggap ang Panginoong Hesukristo bilang iyong sarili at personal na Panginoon at Tagapagligtas dahil  ang akala mo ay kakilala mo Siya mula pagkabata, pwede mong gawin ito ngayon.  Taimtim mong idalangin ang panalanging ito – “Panginoong Hesus, naniniwala po ako sa ginawa Mo sa Kalbaryo.  Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan.  Linisin Mo ako  ng Iyong banal na dugo.  Pumasok Ka sa puso ko, at gawin Mo akong bagong nilalang sa Iyo.  At ngayon gamitin Mo ako sa kaparaanang sa tingin Mo ay karapat-dapat ako sa End-time na oras na ito.  Amen!”

“Magpakatatag ka!  Maging malakas ka at maging matapang!  Huwag kang matakot, o madismaya sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay sumasaiyo saan ka man tutungo (Joshua 1: 9).”

Tumindig ka  henerasyon ni Hosue!  Tumindig ka!

MGA PROPESIYA PARA SA PILIPINAS

Lahat ng mga personal na mga salitang propesiya para sa isang indibidwal, pamilya, iglesiya o bansa sa Luma at Bagong Tipan ay parating may kaakibat na KONDISYON at nakadepende sa pagtugon dito ng mga tao.  Ang Nineveh ay nagsisi at hindi nasira kung saan nagalit ang propetang si Jonah.  Makalipas ang isang daang taon ang mga taga-Nineveh ay bumalik sa kasalanan at sila ay nalipol, ngunit hindi ang mga tao na tumugon nang tama sa orihinal na propesiyang ipinahayag sa Nineveh.  Kung ang Aking mga tao…at Aking gagawin, ay isang Biblical pattern.
Ngunit hindi ibig sabihin nito na tayo ay personal na may dapat gawin upang ito ay matupad.  Iyan ay paggawa ng self-fulfilling na mga propesiya at maaaring magdala sa iyo sa kaguluhan gaya ni Abraham and Sara.  Maaari kang magkaroon ng Ismael. Nasasaad sa Kasulatan “Makibaka nang mabuti,” “pagbulaylayan ang mga ito,” “alalahanin ang mga ito!”  Gayundin, “huwag kaligtaan at pag-ibayuhin ang kakayahan na naibigay sa pamamagitan ng propesiya sa pamamagitan ng mga propeta sa iglesiya”  (I Timothy 1: 18-19; I Timothy 4: 11-16; II Timothy 1: 6).
Ang mga propesiyang UNCONDITIONAL at hindi nababali ay ang mga utos at deklarasyon ng Diyos gaya ng “Ang buong mundo ay mapupuno ng kaluwalhatian ng Panginoon,” Numbers 14: 21 (kung saan naniniwala ako na magkakaroon pa lamang ng katuparan!).  Marami ang mga unconditional na propesiyang ito sa Salita ng Diyos gaya nang maraming halimbawa ng conditional na personal na mga propesiya para sa mga indibidwal. Ilang halimbawa ay ang kay Jacob  para kay Jose, ang kanyang dalawang anak, at para sa kanyang 11 kapatid na lalaki sa Ehipto habang si Israel ay idinantay ang kanyang mga kamay sa kanila at pagpalain sila at nagpahayag para sa kanila bago siya mamatay (Genesis 48: 13-49: 29).  Gayundin sa mga pamilya (sa bahay ni David at iba pa), sa mga iglesiya (pitong iglesiya sa Asya Revelation 1-3) at siyempre ang mga bansa ay maraming mga halimbawa mula sa Bibliya gaya ng matatagpuan sa minor at major na mga propeta.  Lahat ng mga ganitong uri ng propesiya ay sa katotohanan matatagpuan sa buong Luma at Bagong Tipan.
Ang dahilan ng librong ito ay hindi upang tukuyin ang personal na propesiya kundi siguraduhin na maalala mo na ang Bibliya ay nagtuturo na LAHAT ng propesiya ay kailangang  siyasatin at lahat ng mga pahayag ng mga tao ngayon ay CONDITIONAL.

Sa ganoong kaisipan, aking ibabahagi sa iyo ang iba sa mga propesiyang ibinigay sa pamunuan ng bansang ito sa gobyerno at gayundin sa iglesiya. Personal akong naniniwala na ang mga propesiyang ito na aking ilalahad dito ay may malaking kabuluhan sa pagganap sa aking isinulat tungkol sa “Prophetic Vision” at ganundin sa destiny ng Pilipinas at ng mga Pilipino bilang isang lahi.  Ang mga salitang ito ay ibinigay ng isang kilalang propeta at ng prophetic team noong Hunyo 1992, limang taon ang nakalipas mula nang aming simulang ibahagi ang vision na ito at dalawang buwan bago naming ipalimbag ito.
Maraming KATULAD na mga propesiya na naisulat sa librong ito at ng sa isang kilalang propeta ay nabanggit ng iba’t ibang mga lalaki at mga babae ng Diyos mula pa noong 70’s.  Ibinigay sila sa iba’t ibang panahon at ang kanilang nilalaman ay hindi lahad sa susunod na tao na nagbibigay ng propesiya o nagbabahagi ng vision.  Marami siyempre ang naibahagi na sa amin mula nang aming isulat ang librong ito gaya ng panukala sa Habakkuk 2: 2 upang ang mga tao na makakabasa nito ay tumakbo kaalinsabay ng vision!
Ang mga sumusunod ay mga bahagi mula sa June 1992 Prophetic Conference.  Ang iba ay para sa mga indibidwal na ngayon ay nanunungkulan sa gobyerno at ang iba ay para sa Pilipinas at sa pangkalahatan.
“Hinango kita gaya ni Jose na napunta sa isang kaharian at sa isang emperyo upang ibangon ang ekonomiya at dalhin ito mula sa kasalatan tungo sa kasaganaan, Aking itinalaga na ang Pilipinas ay tataas habang ang ibang nasyon ay bababa.  Gagawin Ko silang mananagana, magtatatag Ako sa kanila ng mga Jose at  Daniel  at itatayo Ko sila sa Aking iglesiya, sa larangan ng pulitika at ng gobyerno at sila ay magbibigay ng karunungan sa pamunuan, magbibigay ng karunungan sa Pangulo, magbibigay sila ng karunungan at panukala.  At sinasabi ng Panginoon, Anak, tinawag kita sa Kaharian para sa panahong gaya nito…
Mayroon Akong 20 taon na plano para sa Pilipinas at sa loob ng 20 taon, gagawin Ko itong ulo at hindi buntot sabi ng Diyos.  Akin itong   babawiin, babawiin ang Pilipinas mula sa pagkaalipin, mula sa tanikala, mula sa pag-alipusta at pang-aabuso ng ibang bansa, ng ibang mga lahi, at sabi ng Panginoon, Akin itong iikutin.  Ang kanilang panahon ay dumating na!
At Aking itataas ang Iglesiya, ang militanteng Iglesiya, ang espiritwal na Iglesiya, ang Iglesiyang may kapangyarihan…Aking gagawin ang mga ibang bansa ay magtayo at magsimula sa bansang ito at pagkatapos Aking ibibigay sa bansang ito sabi ng Diyos.”
Footnotes
1.  Dr. Bill Hamon, The Eternal Church (Santa Rosa Beach, Florida, U.S.A.; Christian International; 1981), Part III and IV.
2.  Christian International School of Theology.
3.  Former YWAMer, personal letter and information sheet on file, March 1992.
4.  Robert Gay, “O Arm of God Arise,”  Integrity’s Hosanna! Music (Mobile Alabama, U.S.A.: 1990).
5.  Ed Chinn, “Crossing the Bridge,” Christian Conquest (Mobile Alabama, U.S.A.; November/December 1991), p 14.
6.  Dr. Sonia Zaide, The Philippines: A Unique Nation (Manila, Philippines, 1993), p. 4.7.Agusto Kho, Newsletter (Rosales, Pangasinan, Philippines; February/March 1993), pp 1-2

8.Eric Smith, Message at the Mission Festival:  Helping Close the 10/40 Window, (Davao City, Philippines; May 25 -28, 1993) 4 days.



      ABOUT THE AUTHOR (INILATHALA NOONG 1992)

      Bill Perry, M. Div., has degrees in Greek and Classical Languages, plus Philosophy from Houghton College (NY).  He has done advanced studies at Trinity Evangelical Divinity School and Christian International Seminary and is ordained through Christian International Ministries.  He has taught at Brandon Hall, Houghton College and in 1976 he founded Trinity Institute of Biblical Studies and the “School of the Holy Spirit,” where he was the Academic Dean, Teacher and Administrator.  The school grew to over 250 students with several graduates, many of whom are in the ministry today.  In 1978, this school and staff became Atlanta International Bible College where he served as President until 1980.  Bill is co-founder and International Director of Life Schools of Ministry and founder of Frontline Evangelism International and various ministries to the body of Christ, such as Jehovah Shalom Ministry Center in Baguio City, Philippines.
      Within hours of his arrival in Baguio City in February of 1987 a group of local pastors invited Bill to move to the Philippines to start Life Schools of Ministry.
      Four months after his first trip, Bill returned to the Philippines in June 1987.  At that time final preparations for Life Schools of Ministry had been completed and the school opened on July 7, 1987 with 87 students.  By November of that same year, the Perry family moved to the Philippines to continue the vision birthed in Bill for Frontline Evangelism in 1986 and to share hands-on experience in the development of Life Schools of Ministry.
      Ginger, his wife of 26 years, has been active in managing the ministry, teaching, speaking and ministering as well as helping in the production of courses and handling communications.
      Jonathan, their eldest after spending a couple of years in the Philippines, returned to the United States, attended Christ for the Nations and is now attending Oral Roberts University in Tulsa, Oklahoma, working on his academic degree.  He is looking forward to returning to visit as minister in the Philippines in God’s timing.  Their daughter Jennifer, now a teenager, has spent more than a third of her life in the Philippines and truly loves it here.  Along with taking an active part in the ministry, she is finishing high school.
      Both Bill and Ginger were blessed to have been raised in Christian homes and Bible-believing churches, where they were exposed to world missions.  Both knew as teenagers that they had a call to missions and would someday be part of the great End-Time harvest.  Seeds were planted and watered in college through Foreign Missionary Fellowship, Urbana Missions Conferences, and special missionary speakers.  Many other ministries have touched their lives and prepared them for the ministry of Frontline Evangelism International.  The fruit that has come forth is the result of that which God birthed in their hearts many years ago.  But it was only six years ago, after years of ministry, training and preparation that the Lord released them into world missions.
      They have often commented that they had prayed that the Lord of the Harvest would send forth laborers into the harvest field.  In retrospect, their transfer to the Philippines and the start of their work here happened so fast that Bill looked up “send forth” in the Greek and discovered the word meant “to be thrust forth” or “to be launched by a cannon.”  The whole family has been blessed and thrilled to be in the Philippines.  They are now praying that the Lord of the Harvest will “thrust forth” thousands and hundreds of thousands to participate in the Army of the Lord as laborers in the End-Time harvest of the “10/40 Window.”
      (Note:  This translator has been looking for the Perry family.  Should you have access to them, kindly
      post message how will I be able to contact them. Thank you.)
      A DREAM

      I had a dream.  In my dream was an ocean full of drowning people.  There was a rock that came up out of this ocean.  Some people crawled up on that rock and got to safety.
      As I watched 10% of the people on the rock became active in making ropes and ladders, getting near the edge, trying to pull others up on the rock.  But 90% became very active in their rock gardens, their rock music, their rock jobs, their rock lives.  They had a lot of rock meetings where they spent lots of time developing their programs to go back to the ocean, but they never went.
      The thought that kept coming through all the time in the dream was, “Could they have forgotten that they themselves were once in the sea?”
      A small group of people who seemed to be the leaders bothered me even more.  They spent time trying to get up higher on the rock.  It seemed they didn’t want to get near the edge because it was risky down there.  The dead, the diseased, the lost – they were down there.  But the group on the rock spent more time cloistered in false security on the higher parts of the rock.  Yet every one of them heard a voice say, “Will you come?”  “Will you help me?”
      In my dream, the rock was the cross of calvary.  The voice they heard was Jesus Christ, calling you and me to come.  There’s only on thing that remains and that is whether or not we will.
      The question is will you and I be different?  Will we be willing to hear the voice and take the risk and speak out in order to rescue others?
      Our Daily Bread
      Discovery Series

      This entry was posted in Christian Message, PHILIPPINE MESSAGE and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

      1 Response to PROPHETIC VISION FOR THE PHILIPPINES (Filipino Version)

      1. vincent melo says:

        i like it,,,,,,,,

      Leave a comment